Ang Tsinelas, Bow!

Ikaw, nahanap mo na ba ang tsinelas mo?


First time sa blog na ito na magsusulat ako in Tagalog.

Ang pag-ibig daw ay parang pares ng tsinelas.

Ito ang isa sa mga cheesy pick-up lines na napupulot ko sa paagmu-movie marathon kapag weekends. Gusto kong sabihin na may sense naman yun pero at a certain extent, parang hindi ko yun nararamdaman.

Pero hindi ito ang unang beses na na-encounter ko ang ganitong analogy. Nung college, isang schoolmate turned manliligaw (na sa basted rin nauwi) ang may ganito ring analogy. Pero sa kanya, ang girlfriend ay "manika" instead of tsinelas.

So, balik tayo sa usapang pag-ibig at tsinelas. Paano nga ba nangyari yon?

Parang tsinelas at sapatos daw ang relationship. Kahit buong araw kang nagsusuot ng iba't ibang style at klase, tsinelas pa rin ang kasasabikan mong hanapin at isuot pag-uwi mo sa bahay. Kahit ilan pa ang substitute GF or BF (as the case may be) meron pa ring isa na lalabas na mas pabor para sa yo -- sa pantaha ko, kumbaga sa tsinelas, merong isa na kumportable ka at paborito mong isuot

Kapag nakita mo na ang taong mamahalin mo, ibig sabihin nahanap mo na ang kapares ng tsinelas.

Habang isinusulat ko ito, natatawa at napapa-isip ako. Isa't kalahating taon na pero parang deadma lang. Oo. I suppose, bukod sa hindi ko pa nahahanap yung kapares ng tsinelas ko, ay merong isa pang rason.

Pwedeng tinatamad akong maghanap at ang isa pa, sanay kasi akong walang tsinelas. Literal and otherwise. Natatawa akong isipin kasi sa totoo, hindi ko ugaling magtsinelas kaya siguro it follows even sa ibang aspeto.

Komportable naman ako nang may tsinelas, pero yun lang, inaalis ko rin agad. Ang alam ko, mas sanay akong wala yun sa katawan ko.

Kaya siguro kahit sa relationship, ganon rin ang siste. Aaminin kong mas sanay sa wala kaysa sa mayroon. Oo, masaya naman ako na nakaka-appreciate na maganda ang tsinelas, na nakakakita ng magkapares, na masarap isuot pero iba pa rin yung pakiramdam ng kung anong nakasanayan ko.

Sanay na nakayapak, na wala o kung hindi man eh madalas maling pares ang suot.

Okay, mas mabuti pang masanay na walang suot at nakayapak kaysa masanay na maling pares ng tsinelas (o ng relasyon) ang suot.

Hindi ko pa kasi iniisip na bumili o maghanap ng pares ng tsinelas sa ngayon. Pero sana, meron ding naghahanap ngayon ng kapares ng tsinelas niya.

0 comments

Thank you for dropping by and taking a peak on my thoughts. This page is for your comments.